19.1 C
Baguio City
Friday, May 23, 2025
spot_img

Pagdiriwang ng Ocean Month, tampok ang libreng punla at lokal na produkto sa SM Tuguegarao

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ocean Month, namimigay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 ng mga libreng indigenous seedlings sa SM City Tuguegarao nitong ika-21 ng Mayo 2025.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang publiko na makiisa sa pangangalaga ng kalikasan at pagbibigay halaga sa yamang-dagat at kagubatan.

Tampok din sa mini exhibit ang mga produkto mula sa Biodiversity-Friendly Enterprises ng mga People’s Organization mula sa Divilacan at Palanan, Isabela. Bukas ang mga ito sa publiko at maaaring bilhin sa abot-kayang halaga.

May mga inihandang palaro at coloring books rin para sa mga bata upang lalong maging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng DENR sa pagpapalaganap ng kamalayan sa pangangalaga sa kalikasan ngayong buwan ng Mayo.

Source: PIA Cagayan Valley

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles