14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Pagdiriwang ng Mahal na Araw sa Lungsod ng Baguio

Baguio City – Tunay ngang dinarayo ang Summer Capital of the Philippines o ang Baguio City hindi lamang sa taglay nitong naggagandahang tourist spots kundi maging ang mga simbahang matatagpuan dito.

Kaya naman ngayong Mahal na Araw ay inaasahan ang pagdagsa ng mga turista upang gunitain at bisitahin ang mga simbahan sa nasabing lungsod para sa pagdiriwang ng Semana Santa.

Gayunpaman, bilang paglimita sa religious gatherings dahil sa pandemya ay online mass ang hatid ng mga simbahan sa Baguio City upang maibahagi pa rin sa mga tao ang salita ng Diyos at maiwasan ang paglaganap ng virus na COVID-19.

Bilang gabay naman ngayong Mahal na Araw, narito ang ilan sa mga simbahan sa Baguio City na maaaring bisitahin ng mga turista para sa kanilang Visita Iglesia: Baguio Cathedral of Our Lady of Atonement Church na matatagpuan sa Central Business District ng Baguio City; Casiciaco Recoletos Seminary na matatagpuan sa Asin Road, Baguio City; Our lady of Lourdes Parish na matatagpuan sa Kisad Road na kalapit ng Burnham Park; Kapilya nina Hesus at Maria sa Dominican Mirador Hill; Pink Sister’s Convent and Chapel sa Brent Road, Baguio City; St. Joseph the Husband of Mary Parish sa Irisan Baguio City; St. Joseph the Worker Parish sa Pacdal Circle; at St. Vincent Ferrer Parish na matatagpuan sa Naguilian Road.

Maaari ring ifollow ang facebook pages ng mga nasabing simbahan upang mapanood ang kanilang facebook live.

Nawa ay maging mapayapa at sagrado ang ating paggunita ng Semana Santa.

Source: https://www.facebook.com/1636170449935693/posts/3133349583551098/

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles