24.5 C
Baguio City
Monday, October 21, 2024
spot_img

Pagdiriwang ng ika-440th Aggao Nac Cagayan, pormal nang binuksan

Pormal nang binuksan ang isang buwang selebrasyon ng ika-440th Aggao Nac Cagayan ngayong unang araw ng Hunyo sa Cagayan Sports Complex.

Ang tema ngayong taon ay “Gapu ti pinagkakaysa, balligi inpaay na” o “dahil sa pagkakaisa, tagumpay ay natamasa”.

Sa 440 na taon ng Cagayan ay maraming mga pagsubok na dinaanan, natural man o manmade at lahat ng ito ay nalampasan dahil ang mga Cagayano ay nagkakaisa.

Sinimulan ang unang araw ng selebrasyon ng Aggao nac Cagayan ng isang parade na nilahukan ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at mga basketball player kasama ang kani-kanilang Local Chief Executive na kalahok sa Inter-Agency at Inter-LGU Basketball League ng Gov. Manuel Mamba Cup.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles