Naging payapa ang pagdaraos ng Undas 2022 sa Lungsod ng Tarlac City nito lamang Nobyembre 1, 2022.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang Local Government Unit, Barangay Peacekeeping Action Teams, Force Multipliers, Philippine Army at Tarlac City PNP.
Samantala, nagkaisa ang mga awtoridad sa pagpapanatili ng kaayusan sa pampubliko at pribadong sementeryo dahil sa magandang pamamahala ng butihing Mayor Angeles.
Nagpapatunay na ang pamahalaan ng Tarlac City ay inuuna ang kapakanan at kinabukasan ng kanilang mamamayan.