14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Pagbubukas ng Strawberry Festival 2022 naging mapayapa

Muling umarangkada ang Strawberry Festival sa La Trinidad, Benguet matapos makansela ito ng dalawang taon dahil sa pandemya kung saan pormal na itong nagbukas noong Marso 11, 2022 at inaasahan namang magtatapos sa Marso 27, 2022.

Ayon kay Mayor Romeo Salda ng La Trinidad, Benguet, simple lang ang kanilang gagawing selebrasyon dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Ayon pa kay Mayor Salda, sa Marso 18 gaganapin ang pinaka-highlight ng aktibidad gaya ng Strawberry Cake Competition, “Owik” and Mass at Strawberry Jam, subalit iginiit ng butihing mayor na limitado pa rin ang mga imbitadong lalahok dito.

Kaya naman, idineklara na Special Non-Working day ang Marso 18, 2022, Biyernes, sa buong munisipalidad ng La Trinidad, Benguet, bilang selebrasyon ng 41st Strawberry Festival.

 Dagdag pa ni Mayor Salda, ilan sa mga aktibidad na kanilang isinagawa mula Marso 11 hanggang 17 bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ay ang Strawberry Lane, Roadside General Cleaning at Tree Caring Communal Forest, samantalang sa Marso 26 at 27 naman ay ang Balili River Clean-up at Kavadjo shi Trinidad.

Ang Strawberry Festival ay unang ginanap noong taong 1981 na pinangunahan ni former Mayor Hilarion Pawid kung saan ito ay nakilala bilang “Strawberry Capital of the Philippines”.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles