17.5 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

Pagbubukas ng Programa ng 2022 Regional Skills Competition,matagumpay na idinaos sa Lingayen, Pangasinan

Matagumpay na idinaos ang pagbubukas ng 2022 Regional Skills Competition (RSC) sa Pangasinan School of Arts and Trades (PSAT) sa Lingayen, Pangasinan nito lamang Lunes ika-29 ng Agosto 2022.

Tumayong kinatawan ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III si dating Sangguniang Panlalawigan (SP) Member Von Mark R. Mendoza bilang panauhing pandangal.

Sa kanyang mensahe, isa-isang binanggit at binigyan diin ni Mendoza ang mga iba’t ibang programa at proyekto ng kasalukuyang administrasyon upang higit na mapabuti ang pamumuhay ng mga Pangasinense.

Kabilang din sa mga panauhing pandangal sina Technical Education Skills Development Authority (TESDA) Regional Director Vincent Alion A. Cifra at Lingayen Mayor Leopoldo N. Bataoil na pawang nagbigay ng kanilang mensahe.

Naroon din sina TESDA La Union Provincial Director Alvin Lacson Yturralde, Acting TESDA Pangasinan Provincial Director Crescencia B. Boac, at si Engr. Arturo G. Ganalon, Chairperson ng RSC 2022 Technical Committee.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles