Idinaos ng Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY) ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang pagbubukas ng isang buwang pagdiriwang ng Mental Health Awareness Month na may temang “Mental Health is a Universal Human Right” sa Brgy. Urayong, Bauang, La Union nito lamang ika-25 ng Oktubre 2023.”
“Self-expression is important for maintaining our mental health. Since expression is individualized and sharing has power, it’s crucial to avoid invalidating other people’s feelings”. Ito ay bahagi ng speech na ibinahagi ni Ms. Zenaida Pascua, Chairperson ng BS Psychology Program sa Don Mariano Marcos Memorial State University-South La Union Campus.
Bukod sa pagdalo sa lecture, ang mga residente ay bumuo ng kani-kanilang mga group yells at nakibahagi sa isang aktibidad upang maipahayag ang kanilang mga saloobin sa kanilang mga kapwa residente at gayundin sa departamento sa pamamagitan ng paggamit ng mga imahe na may iba’t ibang mga representasyon.
Dagdag pa rito, nagbigay rin ng make-up tutorial si Mr. John Carlo Estoesta, Administrative Assistant III, sa mga babaeng kawani ng RRCY bilang bahagi ng kanilang pangangalaga sa sarili.