Nagningning ang bayan ng Bayambang sa Christmas Lighting na tampok sa selebrasyon hatid ng lokal ng Bayambang sa mga Bayambangenyos ngayong kapaskuhan nito lamang Nobyembre 22, 2022.
Dinagsa ng mga bisita mula pa sa mga karating bayan at mga magkakapamilyang Bayambaguenos ang pagbubukas ng pinakamalaking animated display sa buong Pilipinas.
Kasama ang Christmas Fairy Tale Story na tumagal ng halos isang oras na na-enjoy ng lahat.
Hatid ito ng Nina Cares Foundation at sinuportahan din ni dating Mayor Cesar Quiambo, ang grandiyosong pagbubukas ng Christmas Light ng bayan.
Pinangunahan ang masayang pagpapa-ilaw ni Bayambang Mayor Niña Jose-Quiambo, former Dr. Cesar Quiambo, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at Pangasinan First Lady Maan Tuazon-Guico.