19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Pagbibigay kaalaman at trabaho sa mga kababaihan, ginawang prayoridad ni Governor Guico

Ginawang prayoridad ni Gov. Guico ang pagbibigay kaalaman at trabaho sa mga kababaihan kung saan 60 ang nakapagtapos sa programang Kaalamang Kabuhayan para sa Kababaihan ng Technical Education Skills Development Authority katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office at Provincial Employment and Services Office.

15 sa mga ito ang nagkaroon ng pagsasanay sa hair cutting and styling, 23 naman ang nagkaroon ng pagsasanay sa massage/reflexology, habang 22 naman ang sa nail care sa tulong ng mga trainers sa TESDA Pangasinan Training Center.

Nabigyan din sila ng starter and hands on kits na nagkakahalaga ng Php2,000.

Layunin ng training na pinagdaanan nila na bigyan ng kaalaman at kabuhayan ang mga kababaihan ng Pangasinan na malaki ang maitutulong sa kanilang pamilya.

Samantala, patuloy naman ang Lokal na Gobyerno ng Pangasinan sa pagsasagawa ng mga proyekto at aktibidad kung saan makikinabang ang kanilang mga nasasakupan upang guminhawa ang buhay.

Source: Province of Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles