20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Pagbabalik-loob sa Gobyerno, patuloy na ikinakampanya ng Pulisya sa Rehiyon Cordillera

Tuloy-tuloy ang kampanya ng kapulisan sa mga programa at benepisyo mula sa pamahalaan para sa mga supporters at miyembro ng rebeldeng grupo na gustong magbalik loob sa gobyerno.

Ayon kay Police Colonel Ruben Andiso, Provincial Director ng Mountain Province Police Office, naging positibo ang epekto ng pinaigting na implementasyon ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng Whole Nation Approach sa pagbaba ng bilang ng insurhensya partikular sa Mountain Province.

Katunayan nito ay ang pagbawi ng 41 na miyembro ng Kasigudan Aywanan Takderan Binangun di Kabunian Organization (KATABIKO) sa kanilang suporta sa Communist Terrorist Group (CTG) sa isang seremonyang ginanap sa Brgy. Bunga, Tadian, Mountain Province noong Enero 30, 2022 kung saan sila ay nanumpa ng katapatan sa Gobyerno at idinelara ang CTGs bilang Persona Non-grata bilang pagtutol sa presensya ng mga Teroristang Grupo sa kanilang lugar.

Dagdag pa rito, inaanyayahan ni PCol Andiso ang iba pang supporters at miyembro ng makakaliwang grupo na magbalik loob sa gobyerno. Siniguro din niyang laging bukas ang pamahalaan upang sila ay tanggapin at bigyan ng pagkakataong magsimula ng panibagong buhay sa ilalim ng programa at benepisyo mula Gobyerno.

Bukod pa dito, pinapayuhan at binigyan babala ang publiko na maging maingat sa pagsali sa mga organisasyon na siyang ginagamit ng mga rebeldeng grupo sa kanilang maling hangarin at makapagrekrut ng kanilang kasapi.

Source: PNP Mountain Province / https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fpermalink.php%3Fstory_fbid%3D142855731514905%26id%3D100073714352688&show_text=true&width=500

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles