Matagumpay na idinaos ng Department of Agriculture – Cordillera Administrative Region ang “Paella a la Cordillera” bilang pangunahing aktibidad sa pagdiriwang ng Farmers’ and Fisherfolk’s Month sa Melvin Jones, Burnham Park, Baguio City, ngayong ika-30 ng Mayo 2024.
Ang kaganapan ay nagbibigay-pugay sa mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon ng Cordillera sa pamamagitan ng paggamit ng mga lokal na sangkap tulad ng mga katutubong uri ng bigas na ipinoproseso sa mga lalawigan ng Ifugao, Kalinga, at iba pa.
Tampok sa kaganapang ito ang higanteng paella na kayang pakainin ang 800 hanggang 1,000 katao.
Layunin ng aktibidad na pagyamanin ang mga produktong pagkaing lokal na tumatak sa tradisyon at kultura ng Cordillera at itaguyod kasabay ng pagpapaunlad at pagpapasigla sa turismo sa buong rehiyon.
Panulat ni Melanie