Naghatid ng libreng packed lunch ang Local Government Unit ng San Clemente para sa mga volunteers, at nagbantay sa mga pampublikong sementeryo nito lamang Miyerkules, ika-1 ng Nobyembre 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Elma Macadamia, Municipal Mayor, San Clemente, Tarlac.
Iniabot ang mga packed lunch ng San Clemente PNP sa mga Force Multipliers, mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), at iba pang volunteers na katuwang nila sa pagbabantay na nakatalaga sa mga Police Assistance Desk (PAD).
Patuloy ang Local Government Unit ng San Clemente sa pagbibigay ng suporta sa mga mamamayan lalo na sa mga nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.