Ipinagdiwang ni Police Major Odlanyer Edrinal, Chief of Police ng Santa Fe Police Station, ang kanyang kaarawan kasabay ng pagdiriwang ng National Childrens Month na ginanap sa Unib Primary School sa Brgy. Unib, Santa Fe, Nueva Vizcaya noong ika-13 ng Nobyembre 2023.
Isinagawa ang naturang pagdiriwang sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga regalo at pagkain sa 41 na mga bata sa naturang barangay.
Napuno ng tuwa at saya ang mga bata sa kanilang natanggap na rain boots, rain coats, payong, damit at sari-saring candies na handog ng Hepe.
Katuwang sa pagdiriwang ang Save Oil sa pangunguna ni Ms. Ann Marie Taclibon at MDRRMO Santa Fe sa pamamahagi ng libreng meryenda at mga food packs para sa mga magulang.
Nagkaroon din ng lecture sa mga bata kung saan tinalakay ang Good touch and Bad touch. Hinihikayat naman ang mga bata na maging S.T.R.O.N.G o Smart Talented Responsible Obidient Nice and God Fearing para sa maayos na paggabay sa kani-kanilang anak.
Nagpasalamat naman ang mga guro ng naturang paaralan sa Hepe ng Pulisya at sa mga stakeholders.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng tulong ang mga lubos na nangangailangan at mapagtibay ang magandang ugnayan ng PNP at pamayanan
Source: Santa Fe Police Station
Panunulat ni PCpl Kelvin Paul Juan