Narekober ng mga awtoridad ang abandonadong ileigal na White Lawan-sawn lumbers na nagkakahalaga ng P5,724.00 sa Barangay Swan, Pudtol, Apayao nito lamang ika-13 ng Abril 2025.
Agad na nagsagawa ng joint operation ang mga tauhan ng 1st Apayao Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pakikipag-ugnayan sa Pudtol Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Unit (PIU) Apayao, at CENRO Calanasan Assistance Center sa Capannikian, Pudtol, Apayao bilang tugon sa kumpirmadong impormasyon hinggil sa iligal logging activity.
Matagumpay na natagpuan ng mga operatiba sa loob ng isang plantasyon ng saging sa Barangay Swan, Pudtol, Apayao ang kabuuang 17 piraso ng White Lawan sawn lumbers na ayon kay Mr. Rogelio Manioang, Forest Protection Officer, ay may iba’t ibang sukat, may kabuuang dami na 159 board feet at tinatayang halaga na P5,724.00.
Ang matagumpay na operasyong ito ay bahagi ng patuloy na kampanya laban sa iligal na pagtotroso at pagsasamantala sa yamang kagubatan sa lalawigan.
Pinapaalalahanan din ng depertamento ang publiko na huwag makilahok sa iligal na pagtotroso, sapagkat ang sinumang mahuhuli ay haharap sa kaukulang kaso at parusa alinsunod sa batas na nakasaad sa Republic Act No. 3701.
Ang pagtutulungan ng mga miyembro ng komunidad at mga lokal na awtoridad ay naglalarawan ng kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at proaktibong pakikilahok sa pangangalaga ng mga likas na yaman ng Kalinga para sa mga susunod na henerasyon.