Handog ang tinayang P4.5 milyong halaga ng medikal na tulong mula sa Pamahalaang Lalawigan ng Pampanga para sa mga Kapampangan na nangangailangan ng suportang medikal sa tanggapan ng Gobernador nito lamang Lunes, ika-11 ng Nobyembre 2024.
Ang tulong ay personal na ipinamigay ni Hon. Dennis “Delta” Pineda, Governor kasama si Hon. Lilia “Nanay” Pineda, Vice Governor katuwang ang mga tauhan ng naturang lalawigan.
282 Kapampangan ang nabigyan ng pinansyal na suporta sa pamamagitan ng mga ‘guarantee letters’, na nagbigay-daan sa mga pasyente na maka-access sa kinakailangang serbisyong medikal.
Ayon sa Governor’s Medical Assistance Office, ito ay sa patuloy ng pamahalaang lokal na suportahan ang kalusugan ng mga mamamayan, lalo na ang mga nangangailangan ng tulong-pinansyal upang masiguro na may masasandalan ang nasasakupan.
Bahagi ito ng patuloy na misyon ng administrasyon na iangat at suportahan ang mga Kapampangan sa iba’t ibang aspeto ng kalusugan at kabutihan.