
Namahagi ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mahigit P1 milyong halaga ng farming assistance tulad ng mga makinarya, at samut saring kagamitan sa pagsasaka sa mahigit 70 kataong magsasaka na kabilang sa Baac-Bucog Farmers Irrigators Association (BBFIA) sa bayan ng Langiden, Abra nito lamang ika-29 ng Enero 2024.
Pinangunahan ni Hon. Secel Palecpec Alcalde ng Langiden, DOLE Abra Provincial Office Head Christopher Tugadi kasama ang livelihood focal person na si Ms. Grace Bandayrel ang pagturn-over.
Nakatanggap din ang BBFIA ng mini tractor, rear tire tiller plow implement, trailer, self-propelled handheld reaper machine, water pump, at high-density polyethylene pipe irrigation hose.
Ibinahagi pa ng Livelihood coordinator na si Bandayrel na may isa pang hanay ng tulong sa pagsasaka ang igagawad din sa Malapaao Farmers, Irrigators, Fishermen Association na may mahigit 50 miyembro sa Langiden sa ilalim ng parehong programa ng DOLE.
Umaasa naman ang mga residente na ang proyektong pinasimulan ng kanilang local chief executive ay magdadala ng karagdagang kita sa mga benepisyaryong magsasaka.