14.5 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

OWWA Region 02, matagumpay ang isinagawang 2022 OFW Family Day Celebration

Sa paglitaw ng COVID – 19 noong 2020, pansamantalang sinuspinde ang mga kaganapan sa institusyon ng OWWA na kinabibilangan ng mga taunang kaganapan ng OWWA.

Ang Overseas Workers Welfare Administration Regional Welfare office 02 ay sa wakas ay nagsagawa ng face to face OFW Family Day Celebration noong Disyembre 9, 2022 sa SM City Tuguegarao na may 1,575 na kalahok mula sa apat na probinsya ng rehiyon 2 kabilang ang chartered City of Santiago.

Ang OWWA bilang nangunguna sa ahensyang naatasang protektahan at itaguyod ang pangkalahatang kapakanan ng mga OFW at kanilang mga pamilya ay nagbibigay-diin sa aktibidad na ito na nagsisilbi ring daan upang bigyan ng karangalan ang mga OFW at mabigyan sila ng masayang karanasan kasama ang kanilang mga pamilya.

Ang kaganapan ay puno ng mga aktibidad na puno ng saya tulad ng singing contest, TikTok Dance Challenge, parlor games at raffle draws na sama-samang nilahukan ng ating mga modernong bayani at kanilang mga pamilya.

Bahagi din ng program ang paggawad ng cheke sa 250 Balik Pinas Balik Hanapbuhay Program na nagkakahalag ng Php4,590,000; 33 Scholarship Program na nagkakahalaga ng Php194,000; alagang Php123,000 para sa 11 Welfare Assistance Program at 9 Tulong PUSO recipients na may halagang Php 1,700,000.

Bilang pangwakas na mensahe ni Ms. Melanie G. Gapasen, OIC para sa Mga Programa at Serbisyo ay binati niya ang lahat at taos-pusong nagpasalamat sa lahat ng dumalo sa kaganapan.

Source: OWWA Region 2 FB Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles