Isinagawa ang Oplan “Harabas” sa mga drayber at konduktor ng Baguio City sa apat na pangunahing terminal ng lungsod nito lamang Biyernes, Abril 8, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera Administrative Region (CAR) katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Department of Transportation (DOTr), PNP Cordillera, Local Government Unit ng Baguio City at ang Baguio Public Order and Safety Division.
Tinatayang 130 na mga drayber at konduktor ng mga bus, taxi at UV express sa Baguio City ang sumailalim sa random drug test na kung saan lahat ay may negatibo na resulta.
Ang oplan “Harabas” ay isang simultaneous surprise mandatory drug testing na isinasagawa sa lahat ng drayber at konduktor sa lungsod ng Baguio upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at mapanatili ang drug-free public transport system sa naturang lungsod.
Sources: https://www.facebook.com/170693190138932/posts/1155605621647679/ https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=122857417008420&id=100078524875202