Binuksan na ang Office of the Vice President (OVP) Isabela Satellite Office sa Cauayan City, Isabela nitong Martes, ika-25 ng Abril 2023
Pang-walo ang nasabing tanggapan sa buong bansa na layong palawigin ang pagbibigay ng tulong at serbisyo sa ating mga kababayan sa malalayong lugar sa Northeast Luzon.
Ayon sa Public Assistance Division ng OVP, ito ay nakapagproseso na ng Php398,940,819.56 para sa medical at burial assistance program mula July 1 noong nakaraang taon.
Inaasahan na sa pagbubukas ng opisina sa Cauayan City ay mas madami pa itong matulungan lalo na sa mga nangangailangan nating kababayan sa buong Lambak ng Cagayan.
Source: PIA Region II