Nagsagawa ng Ocular Inspection ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) bilang paghahanda sa darating na Undas sa Gethsemane Memorial Cemetery, Alaminos City, Pangasinan nito lamang Miyerkules, ika-26 ng Oktubre 2022.
Ayon sa CDRRMO, aktibong nakilahok ang Public Order and Safety Office (POSO) at Market and Cemetery Section bilang paghahanda at masiguro ang ligtas at tahimik na paggunita ng araw ng mga yumaong mahal sa buhay.
Tinitiyak naman CDRRMO at nang iba pang ahensya ng gobyerno na maging alerto ang kanilang buong hanay upang masiguro ang ligtas at payapang UNDAS 2022 sa bayan ng Alaminos City.