Isang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan sa Camp Lt. Geronimo Montes, Bontoc, Mountain Province nito lamang ika-29 ng Mayo 2023.
Ang sumuko ay kinilala sa alyas na “Genuine”, miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla o KLG Ampis.
Sinabi ng sumukong komunista na nais na umano niyang magbagong-buhay at makasama ang kanyang pamilya kaya sumuko siya sa pamahalaan.
Samantala, patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng komunistang grupo na magbalik-loob upang makamit ang tunay na kapayapaan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.