Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Kalinga Police Provincial Office, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-13 ng Hulyo 2023.
Kinilala ang sumuko na 50-anyos na lalaki, tubong Tabuk City, Kalinga at dating miyembro ng Sentro De Gravidad/Regional Operations Command sa ilalim ng Chad Molintas Command/Ilocos-Cordillera Region Command.
Nakilala ang nasabing indibidwal sa pamamagitan ng malawakang pagkakalantad ng NPA at sa kanilang marahas na aktibidad laban sa tropa ng gobyerno partikular sa mga lalawigan ng Abra, Kalinga, Apayao, at Mountain Province.
Ang pagbabalik-loob sa gobyerno ng nasabing indibidwal ay resulta ng pagtutulungan at patuloy na pagsasagawa ng negosasyon ng mga awtoridad kasama ang kanyang mga kapamilya, religious groups, at mga ka-tribo na buong sinuportahan ng City LGU Tabuk alinsunod sa kampanya ng gobyerno sa anti-insurgency at anti-terrorism.