Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Sitio Dikaloyongan, Barangay Pingit, Baler, Aurora nito lamang Lunes, ika-11 ng Disyembre 2023.
Napag-alaman na ang naturang NPA ay dating miyembro ng Pambansang Katipunan ng Magsasaka na kabilang sa Underground Mass Organization.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro ng NPA na sumuko at magbagong buhay kapiling ang kanilang sariling pamilya.