Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Barangay Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang Linggo, ika-10 ng Disyembre 2023.
Napag-alaman na isinuko rin nito ang isang calibre 38 revolver; isang rifle grenade; isang blasting cap at tatlong pirasong subversive na dokumento.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimulang muli sa piling ng kanilang mahal sa buhay.