Kusang-loob na sumuko ang isang NPA sa Baryo sa himpilan ng PNP sa Camp Major Dennis Molintas, Bangao, Buguias, Benguet nito lamang ika-20 ng Mayo 2024.
Ang sumuko ay kinilala bilang isang magsasaka, residente ng Buguias, Benguet at miyembro ng NPA sa Baryo sa ilalim ng KLG Ampis.
Isinuko rin nito ang kanyang armas na isang 9mm AK Type na walang serial number, isang magazine at limang live ammunition.
Batay sa ulat, ang sumuko ay sumapi sa Teroristang Grupo noong Setyembre 1989, nanilbihan ng pitong taon bilang Assistant Team Leader/Supply Officer ng Northern Benguet Unit Guerilla Front.
Nagpasya itong maglie-low sa grupo dahil sa hirap na kanyang nararanasan sa loob ng organisasyon.
Ang boluntaryong pagsuko ay bunga ng pagsisikap at serye ng negosasyong isinagawa ng mga operatiba ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga tauhan ng iba’t ibang unit ng Pambansang Pulisya ng Cordillera.
Samantala, hinihikayat ng sumuko ang kanyang mga dating kasamahan na sumuko dahil saksi ito sa hirap na nararanasan ng mga miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo at ang kanilang pakikipaglaban sa walang saysay na adhikain.