Kusang sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army sa mga otoridad sa Sallapadan, Abra noong ika-14 ng Abril 2024.
Kinilala ang sumuko na isang lalaki, 65 anyos, walang asawa, magsasaka, miyembro ng Non-PSRTG at KLG North Abra, walang baril at residente ng Sitio Sagsagod, Barangay Saccaang, Sallapadan, Abra.
Ang matagumpay na pagbabalik-loob ng dating NPA sa Baryo ay bunga ng puspusang pagsisikap ng mga tauhan ng Sallapadan MPS sa pagpapaigting sa EO 70 – NTF ELCAC ng gobyerno.
Ang kanyang pagsuko ay patunay na ang PNP katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay bukas-palad sa mga miyembro ng CTG na gustong magbalik-loob at handang yakapin ang mga programa at proyektong pangkapayapaan ng gobyerno.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan na magbalik-loob ang iba pang miyembro ng NPA upang muling mamuhay ng payapa at makasama ang kanilang pamilya.