Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Baryo sa mga otoridad sa Barangay Bazar, Sallapadan, Abra nito lamang ika-16 ng Setyembre 2024.
Nabatid na ang sumuko ay dating miyembro ng NPA sa Baryo na-recruit noong Disyembre 2002 ng KLG North Abra at nagsilbing mata, tainga, at tagapagdala ng pagkain ng grupo.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro ng rebeldeng grupo na sumuko at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.