17.5 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

NPA sa Barrio, sumuko

Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barrio sa Barangay Nagcanasan, Pilar, Abra nito lamang ika-15 ng Agosto 2024.

Kinilala ang sumuko na isang 43 anyos, may asawa, magsasaka, residente ng Barangay Nagcanasan, Pilar, Abra at miyembro ng CTG/NPA sa Baryo sa ilalim ng Ka Maymay ng Kilusang Larangan Guerilya (KLG) AMPIS.

Isinuko rin nito ang kanyang armas na isang caliber 38 na may marking, serial number pero walang bala.

Nabatid na narekrut ang sumuko noong taong 2019 bilang isang food courier ng CTG sa ilalim ni Ka Maymay ng KLG AMPIS.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles