17.4 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

NPA sa Barrio member, sumuko sa Mt. Province

Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Tonglayan, Natonin, Mountain Province nito lamang ika-16 ng Agosto 2024.

Kinilala ang sumuko na isang 49 anyos na lalaki, may asawa, magsasaka, residente ng Barangay Tonglayan, Natonin, Mountain Province, at miyembro ng NPA sa Baryo sa ilalim ng dating ECL/KLG Marco/LPC na kalaunan ay tinawag na Weakened Guerilla Front AMPIS (WGF AMPIS).

Kasabay ng kanyang pagtalikod sa komunistang grupo ay ang pagsuko ng kanyang armas na isang caliber 38 na may marking, walang serial number at walang bala.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan na magbalik-loob ang iba pang miyembro ng NPA upang muling mamuhay ng payapa at makasama ang kanilang pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles