Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barrio sa mga otoridad sa Camp Major Dennis Molintas, Bangao, Buguias, Benguet noong Enero 25, 2025.
Kinilala ang nagbalik-loob bilang isang 71 anyos, magsasaka mula sa Tinoc, Ifugao.
Nabatid na ang sumuko ay kasapi ng nabuwag na Kilusang Larangang Gerilya (KLG) Ifugao, Nona Del Rosario Command.
Ayon sa ulat, nahikayat sumali sa NPA noong 2017 ng isang indibidwal na nagngangalang “Alex”.
Nagsilbi rin itong tagabili at tagahatid ng mga suplay para sa kanilang kampo sa kabundukan.
Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa mga natitira pang tagasuporta at miyembro ng NPA na magbalik-loob upang makapagsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.