Isa na namang buhay ang nasayang matapos ang naganap na engkwentro sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at mga kasundaluhan sa Barangay Buneg, Lacub, Abra nito lamang Oktubre 13, 2023.
Ayon sa ulat, tinatayang nasa limang miyembro ng NPA na kasapi ng Komiteng Larangang Guerilla North Abra ang nakasagupa ng mga militar na nagresulta sa pagkasawi ng isa sa miyembro nito.
Narekober din sa lugar ng pinangyarihan ang isang M16 rifle, magazines, mga bala, dalawang jungle packs, isang commercial radio, isang medicine kit, mga subersibong dokumento at mga personal na gamit.
Patuloy naman na nananawagan ang pamahalaan sa mga natitira pang kasapi ng NPA na talikuran ang armadong pakikibaka at yakapin ang mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang sariling pamilya.