18.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

NPA member, sumuko sa Pampanga

Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Barangay Panipuan, Mexico, Pampanga nito lamang Martes, ika-12 ng Disyembre 2023.

Napag-alaman na ang sumuko ay miyembro ng Sandatahang Yunit Propaganda na aktibong nag-ooperate sa probinsiya ng Bataan at Zambales.

Isinuko rin nito ang isang caliber 38 revolver na may tatlong bala at isang 40mm high explosive ammunition.

Patuloy ang paghina ng komunistang grupo kaya nananawagan ang ating gobyerno sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magbalik-loob upang magsimulang muli kasama ang kanilang sariling pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles