Isang miyembro ng New People’s Army Ang nagbalik-loob sa mga awtoridad sa 1st Provincial Mobile Force Company Headquarters sa Burgos Ave., Sangitan West, Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Martes, ika-5 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang sumukong NPA na si alias “Ding”, 62-anyos.
Nabatid na isinuko din nito ang isang Smith and Wesson caliber .38 revolver na walang serial number na may tatlong ammunition.

Patuloy ang pamahalaan at PNP sa kampanya na tuldukan ang insurhensya at terorismo na hadlang sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran sa ating bayan.