Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga otoridad sa Nueva Ecija nito lamang Martes, ika-15 ng Oktubre 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Pedro”. Nabatid na isinuko rin nito ang isang caliber .38 revolver na walang serial number, at tatlong piraso ng live ammunition.
Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa iba pang miyembro ng NPA na sumuko, magbalik-loob at magsimulang muli sa piling ng kanilang pamilya.