Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-8 ng Setyembre 2023.
Kinilala ang nagbalik-loob na si alyas “Ka Buts”, magsasaka, miyembro ng Kilusang Larangan Guerilla Sierra Madre sa ilalim ng Underground Mass Organization (UGMO) ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL).
Napag-alaman na isinuko din nito ang isang mataas na klase ng granada.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob upang mamuhay ng tahimik at kasama ang kanilang sariling pamilya.