Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, ika-6 ng Setyembre 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Annie”, dating miyembro ng Sentro De Gravidad at organizer ng Alyansang Magbubukid ng Gitnang Luzon.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang caliber 38 revolver; tatlong bala at isang granada.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob at mamuhay kapiling ang kanilang mga sariling pamilya.