Nagbalik-loob sa mga awtoridad ang isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Bayanihan, Gapan City, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-1 ng Setyembre 2023.
Kinilala ang sumuko na si alias “Akio”, residente ng Licab, Nueva Ecija at dating miyembro ng NPA.
Napag-alaman na isinuko din nito ang isang caliber 38 revolver at apat na bala.
Ito ay bunga ng pagsisikap ng pamahalaan at PNP upang tuldukan ang insurhensiya at terorismo sa ating bayan.