Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Brgy. Colalo, Mankayan, Benguet nito lamang Oktubre 27, 2023.
Kinilala ang sumuko na isang lalaki, miyembro ng Kilusang Mayo Uno-Mankayan na kaanib sa mga protesta ng SMM-Save Mankayan Movement at sangkot sa mga operasyon laban sa Lepanto Mining Company.
Napag-alaman na isinuko rin ng naturang NPA member ang isang caliber 38 revolver without markings.
Patuloy ang pamahalaan sa panawagan na sumuko ag mga natitira pang miyembro ng NPA upang magsimulang muli kapiling ang kanilang mahal sa buhay.