Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa City of Malolos, Bulacan nito lamang Martes, ika-5 ng Setyembre 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Boy”, 40 anyos, isang construction worker, dating miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan na nag-ooperate sa mga probinsya ng Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales.
Napag-alaman na isinuko rin nito ang isang caliber 38 revolver at limang bala.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang grupo ng NPA na magbalik-loob at magsimula ng panibagong buhay kasama ang kanilang sariling pamilya.