Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Orion, Bataan nito lamang Linggo, ika-5 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ang sumuko na dating miyembro ng Lino Blas Command na nag-ooperate sa probinsya ng Bataan.
Kasabay ng kanyang pagbabalik-loob, ay ang pag turn-over ng isang Caliber 38 revolver, tatlong bala, isang improvised explosive, electric fuse, at blasting cap.

Sinisiguro ng pamahalaan na patuloy ang kanilang maigting na kampanya kontra insurhensiya upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bansa.