Isang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa pamahalaan sa Camp Allan, Brgy. San Francisco, Luna, Apayao nito lamang Hunyo 13, 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Nomie”.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang Caliber .38 Smith and Wesson na kargado ng dalawang live ammunition.
Napag-alaman na si alyas “Ka Nomie” ay na-recruit noong October 2013 ni alyas “Ka Ranie” sa Calayucay, Luna, Apayao.
Samantala, patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng komunistang grupo na magbalik-loob upang makamit ang tunay na kapayapaan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.