Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa 2nd Nueva Ecija Provincial Mobile Force Company Headquarters, Brgy. San Juan, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Lunes, Pebrero 17, 2025.
Kinilala ang sumuko na si “Ka Carlos”, lalaki, nasa hustong gulang at residente ng Pantabangan, Nueva Ecija.
Napag-alaman na ang sumuko ay dating miyembro ng Josefino Corpuz Command na nag-o operate sa Nueva Ecija.
Kasabay ng kanyang pagsuko, ay ang pagturn-over ng isang yunit ng homemade 12 Gauge Shotgun na walang serial number at dalawang bala.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro at tagasuporta ng PNP na magbalik-loob at magsimulang muli kapiling ang kaniang pamilya.