Boluntaryong sumuko sa kamay ng pamahalaan ang isang miyembro ng New People’s Army sa Brgy. Poblacion, Pudtol, Apayao nito lamang ika-21 ng Marso 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Laki”, 54, magsasaka at residente ng Pudtol, Apayao at tinaguriang miyembro ng Militia ng Bayan (NPA in the Barrio) at nakalista sa Non-PSRTG.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang rifle grenade.
Batay sa salaysay ng sumuko, Marso 1986 nang siya ay ni-recruit ni “Ka Jong Jong” at hinasa sa iba’t ibang paraan ng pakikipaglaban at paggamit ng armas sa loob ng tatlong buwan sa bulubunduking bahagi ng Marag, Brgy. Luna, Apayao at inatasan na magbigay impormasyon para sa kanilang organisasyon.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob sa gobyerno upang makapiling ang kanilang mga pamilya at makamit ang totoong kapayapaan sa ating bansa.