Nagpadala ng Non-food items (Hygiene Kits) ang Department of Social Welfare and Development – Cordillera Administrative Region para sa Calanasan, Apayao sa OCDRO-CAR RDRRMC Inter Agency Warehouse, Capitol Hill, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga nito lamang Huwebes, Nobyembre 10, 2022.
Tumulong din sa pagkakarga ng non-food items ang mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company.
Ang mga ikinargang non-food items ay ipapamahagi sa mga residente na naapektuhan ng bagyong Paeng.