Natagpuan na ang nawawalang Cessna aircraft na naiulat na nawawala nito lamang Agosto 1, 2023 na huling namataan ang signal transmission sa 35 nautical miles North-west ng Alcala, Cagayan mula sa Laog City.
Kinilala ang piloto ng nasabing eroplano na si Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo kasama ang student pilot na si Anshum Rajkumar Konde.
Kaagad namang tumungo ang mga awtoridad kung saan huling namataan upang matiyak ang kanilang kalagayan.
Samantala kinumpirma ng Apayao Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na natagpuan na ang Cessna 152.
Sa kasamaang palad ay kinumpirma ni Mr. Jeoffrey Borromeo, PDRRM Officer na nakita sa crash site sa boundary ng Barangay Salvacion, Luna at San Mariano, Pudtol, Apayao ang eroplano kasama ang piloto at ang Indian student-pilot na parehong wala nang buhay.