Ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Baguio ang National Solo Parents Week sa isinagawang Solo Parents’ Summit na ginanap sa Baguio City National High School Auditorium nito lamang ika-18 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pamumuno ni Liza Bulayungan kasama ang butihing Alkalde Benjamin Magalong bilang pangunahing pandangal.
Kasunod ng temang “Solo Parent na Rehistrado, sa Gobyerno Tiyak na Protektado!”, ang CSWDO ay naghanda ng mga aktibidad na naglalayong turuan ang mga solo parents sa Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents’ Act, gayundin ang maikling presentasyon ng mga programa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa mga solong magulang.
Dagdag pa rito, ipinabatid ni Mayor Benjamin Magalong sa kanyang inspirational message ang kanyang pagpuri sa pagsisikap at sakripisyo ng mga solo parents.
Binanggit din niya na ang pamahalaang lungsod ay magbibigay ng tulong sa kanila. Ito ay patunay na ang pamahalaan sa Bagong Pilipinas ay nagmamalasakit para sa bawat mamamayan