15.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Narvacan Tourism Marker, itatayo sa Junction sa Narvacan, Ilocos Sur

Pinangunahan nina Gov. Jerry Singson ng Lalawigan ng Ilocos Sur at Mayor Pablito V. Sanidad ng Municipyo ng Narvacan, Ilocos Sur ang Groundbreaking Ceremonies para sa itatayong Narvacan Tourism Historical Marker sa Manila-Laoag-Abra Junction sa Quinarayan, Narvacan nitong Sabado, ika-5 ng Oktubre 2024.

Mahalaga ang Junction o “Nagsangalan” sa wikang Ilocano bilang lugar na dinadayo ng mga tao bago pa man ang ikalawang digmaang pandaigdig. Dito naganap ang labanan sa pagitan ng mga sundalong Filipino at Amerikano laban sa mga umuusad na Hapon na umabot sa Tangadan na Boundary naman ng Abra at Ilocos Sur na kumalat hanggang sa Cordillera hanggang sa kanilang pagsuko.

Ang Narvacan Tourism Marker ay magiging pangunahing atraksyon sa Narvacan, katulad ng Spanish Watch Tower. Idinisenyo ito bilang simbolo ng pagkakaisa sa panahon ng kapayapaan, kahit na may tatlong personalidad na kinakatawan sa estatwa, na nagsasaad ng mga sundalong Filipino, Amerikano, at Hapon. Magiging isang magandang parke ito dahil sa maayos na disenyo nito bilang Historical Landmark.

Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles