Pormal na pinasinayaan ang Nangkatengey-Numpaling Farm-to-Market Road sa Brgy. Namal, Asipulo, Ifugao nito lamang ika-25 ng Agosto 2022.
Ang seremonya ay pinangunahan ng Local na Pamahalaan ng Namal, Asipulo at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police, Philippine Army, Local Government Unit at stakeholders.
Nagkaroon ng ribbon cutting at sinundan ng Blessing Ceremony sa pangunguna ni Most Rev. Valentin C. Dimoc, DD, Bishop Vicariate ng Bontoc-Lagawe Parish.
Ang Barangay Namal ay isa sa pinakamalayong nasasakupan ng Asipulo kung saan umaabot sa dalawa hanggang tatlong oras ang lalakarin ng mga residente bago marating ang nasabing barangay.
Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Hon. Archie Lee Quindo, Mayor ng Asipulo, Ifugao sa lahat ng nakiisa upang maabot ang tagumpay ng pagbubukas ng naturang kalsada na malaki ang maitutulong sa mga magsasaka at residente sa pagpapabilis ng pagdala sa kanilang mga produktong agrikultura at pagyabong ng turismo.