13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Nakakamanghang Mount Ulap ng Itogon, Benguet

Isa sa tanyag na dinarayo ng mga turista sa Cordillera lalo na sa mga hiker at mountaineer ay ang Mount Ulap na matatagpuan sa munisipalidad ng Itogon sa lalawigan ng Benguet.

Ito ay may taas na 6056 talampakan o 1846 meters above sea level at mayroong tatlong kilalang taluktok: ang Ambanao Paoay na may 1788 meters above sea level, ang Gungal Rock na may 1814 meters above sea level at ang summit nito na may 1846 meters above sea level.

Bukod sa malamig na temperatura na taglay ng Mount Ulap, matatagpuan din dito ang isa sa pinakasikat na tanawin, ang Gungal Rock Formation na itinuturing nilang may picture-perfect na kuha mula rito.

Makikita rin dito ang mga naggagandahan at nakakamanghang tanawin gaya ng pine tree ridges, grassland slopes, burial caves at ang mountain range sa Benguet.

Ang naturang tourist spot ay pinangalanang Mt. Ulap dahil halos halikan at yakapin na ng mga ulap ang mga bundok sa tuktok kung saan maaari ring maramdaman at mahawakan ng mga hiker ang sea of clouds dito.

Matatandaang itinampok din ang Mt. Ulap sa mga sikat na travel show tulad ng Kapuso Mo Jessica Soho at Brigada dahil naging viral ito sa mga iba’t ibang social media platforms.

Source:https://hiketomountains.com/mt-ulap-traverse-dayhike-guide/?fbclid=IwAR2U7KCgiPIbUsqarXnYFCTYaRjOZNrZNFTvnWTuZAzBIsJhm5Pm8ILr2I

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles