Binawi ng ilan sa mga miyembro ng Liga ng Magsasakang Bukid (LMB) ang suporta nila sa Alyansang Mangbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa ilalim ng Kilusan ng Magsasaka ng Pilipinas (KMP), samantala isang dating miyembro ng Milisyang Bayan kusang loob na sumuko kasama ang dalawang baril nito noong ika-20 ng Pebrero, taong kasalukayan sa Nueva Ecija.
Naisayangkat ang isang aktibidad para sa labintatlong kasapi ng Liga ng Magsasakang Bukid (LMB) sa Barangay Mabini, Llanera, Nueva Ecija na isigawa ng 2nd PMFC- NEPPO katuwang ang Llanera MPS, San Jose CPS, Muñoz CPS, Carranglan MPS, Nampicuan MPS, Licab MPS, Quezon MPS, Lupao MPS, Rizal MPS, Talavera MPS, Sto Domingo MPS, DILG Llanera, LGU Llanera, PIU- NEPPO, RIU3, RID3 SCU, 303rd MC- RMFB3 at 84th IB 7ID- PA. Pumirma ng panunumpa sa tuluyang pagtalikod ng mga dating miyembro ng nasabing grupo sa maling ideolohiya ng CPP-NPA-NDF
Samantala, sa isinagawang Major Internal Security Operation sa Barangay Luna, Carranglan, Nueva Ecija ng 2nd Platoon 2nd PMFC NEPPO sa pangunguna ni PLt Pepe H Alindayo, Platoon Leader sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Ranny G Casilla, Force Commander kasama ang 1st PMFC-NEPPO, San Jose CPS, Muñoz CPS, Cuyapo MPS, Guimba MPS, Rizal MPS, Carranglan MPS, Licab MPS, Quezon MPS, Nampicuan MPS, Lupao MPS, Pantabangan MPS, Llanera MPS, Natividad MPS, Talavera MPS, Sto. Domingo MPS, PIU-NEPPO, RIU3, RID3 SCU, 303rd MC RMFB3, at 84IB 7ID PA ay nagresulta ng kusang-loob na pagsuko ni Ka Aladin limampung taong gulang, magsasaka at residente ng Brgy. Conversion, Pantabangan dating miyembro ni Milisyang Bayan/Pasabilis kasabay ng pagsuko niya ng isang Caliber 38 rebolber na walang serial number at converted caliber 22 rifle.
Siniguro ni PCol Jess B Mendez na patuloy nilang lalabanan ang insurhensya sa probinsya ng Nueva Ecija ito’y naaayon sa implementasyon ng RTF-ELCAC sa Gitnang Luzon sa pangunguna ni PBGen Matthew P Baccay, Regional Director.